Alamat ng Bola (Originally Written)

 Alamat ng bola

Ni Jescel Mae P . Dulay


Sa isang liblib na lugar na tinatawag na Balasog, may isang batang babae ang nagngangalang, Bula. Kasama niyang naninirahan dito ang kanyang ama’t ina na ibinibigay ang lahat sa kanya mapabuti lamang ang lagay niya dahil siya ay may hindi malamang sakit. Ngunit sa kabila ng kanyang karamdam ay malusog ang pangangatawan ni Bula na naghuhugis na ang kanyang mukha at katawan ng bilog. Napakabait din niya kaya naman kahit na hindi nagugustuhan ng kapwa niya mga batang babae ang kanyang sukat at katawan, iniintindi niya na lamang ang mga ito.


Isang araw, pinagkaisahan ng mga batang naglalaro sa daan si Bula. Itinulak nila ito ng paulit-ulit na halos tumalbog na ang katawan nito sa ere. Pinagtatawanan pa nila si Bula habang hirap na hirap itong ayusin ang sarili. Walang nagawa si Bula kundi ang umiyak at umuwi na lamang sapagkat sanay na ito at ayaw na niyang patulan pa ang mga kapwa bata. 


Hindi sinasabi ni Bula ang nangyayari sa kanya sa labas ng kanilang bahay. Walang kaalam-alam ang ama’t ina niya tungkol sa pang-aapi sa kaniya hanggang sa may nakapagsabi sa mag-asawa tungkol sa nakita nito noong isang araw na pang-aaway kay Bula. Agad namang pinuntahan ng dalawa ang kanilang anak upang tanungin kung ito ba ay totoo. 


Subalit, wala na silang makitang Bula. Huli na ang lahat sapagkat ito’y napagkaalamang lumisan na sa lugar o kaya naman ay namatay na dahil sa sakit nito ngunit may isang bagay ang naiwan sa kanilang tahanan na nagpapaalala sa hugis ni Bula na tumatalbog pa. Hindi pa nakakita ang mga taga-rito ng ganoon kaya naman tinawag nila itong Bola na nagmula sa pangalang Bula.

Comments

Popular Posts