PABULA: Ang Agila at Ang Uod (Originally Written)

 Pabula



Agila at Ang Uod

Ni Jescel Mae P. Dulay


Ang isang uod ay magiliw na naglalakbay upang maghanap ng pagkain at laking tuwa niya ng makita ang isang hardin na puno ng halamang kaniyang pagpyepyestahan. Sa gitna ng kaniyang paglamon, may mga kapwa siyang uod na patpatin na nagnanais makihati sa nahanap niyang mga dahon ng halaman sa hardin. Ngunit hindi siya pumayag at pinagtabuyan pa ang mga ito.


Sa di kalayuan, nanonood ang isang agila. Lumapit ito sa uod at sinabing, “alam mo bang mas mayabong at malalaki ang halaman sa kabilang hardin, tiyak na mas malawak din iyon kaysa dito. Nais mo bang ipunta kita doon?”. “Syempre naman”, sagot ng uod. Ngunit sa tagal ng kanilang nilakbay, napunta lamang sila sa isang pugad ng ibon na pagmamay-ari pala ng agila. Natunogan na ng uod ang susunod na mangyayari base sa mukha ng agila. Labis na pagmamakaawa ang kanyang ginawa subalit hindi ito pinakinggan ng agila at tuluyan na siyang nilamon nito. Binusog niya ang agila sa dami ng kaniyang kinain sa hardin na hindi man lang niya ibinahagi sa kapwa niya mga uod.


Huwag maging gahaman, makuntento sa anong meron ka, ang labis ay masama at may matinding kapalit na kahit buhay mo pa.



Comments

Popular Posts